^

Probinsiya

Pagpaslang sa mga journalist dapat matigil

-
Pang-aabuso sa mga journalist tuwing nalalapit ang eleksyon dapat nang matigil.

Ito ang naging panawagan ni Bohol Rep. Ernesto Herrera sa mga awtoridad kaugnay na rin sa naging pagpatay sa isang radio commentator sa Pagadian City noong nakalipas na Sabado.

Napapansin ng mambabatas na sa tuwing nalalapit ang halalan ay nagkakaroon ng mga karahasan na kinasasangkutan nang pagpatay sa mga journalist.

"Ilang kandidato na naniniwalang biased o may kinakampihan ang media practitioners ang inilalagay sa kanilang kamay ang batas sa paniniwalang matatakasan nila ang kaso,’’ ani Herrera.

Binanggit pa nito na sa mahabang panahon ay wala pa siyang nabalitaang nahuli at nakulong na suspect sa pagpatay sa isang journalist.

Nauna rito, si Mohammad Yusop, isang commentator ng RXID sa Pagadian City ang pinaslang noong Sabado.

Noon namang nakalipas na taon pinaslang din ang commentator na si Jun Jalapit sa Pagadian City din, subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nareresolbahan ang kanyang kaso. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

vuukle comment

BINANGGIT

BOHOL REP

ERNESTO HERRERA

HERRERA

ILANG

JUN JALAPIT

MARILOU RONGALERIOS

MOHAMMAD YUSOP

PAGADIAN CITY

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with