Mass jailbreak: 61 pumuga, 2 patay
March 2, 2001 | 12:00am
Dalawang preso ang nasawi, habang apat pa ang nadakip makaraang pumuga ang 61 bilanggo matapos na samantalahin ang malakas na pagbuhos ng ulan sa naganap na madugong jailbreak sa Agusan del Sur Provincial Jail, kamakalawa ng gabi.
Gayunman, habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ring bineberipika ng mga awtoridad ang mga pangalan ng pumugang bilanggo. Isa umano sa nakapuga ay ang NPA leader na nakilalang si Kumander Labia.
Karamihan sa mga pumuga ay may kasong murder, robbery at drug trafficking.
Batay sa inisyal na ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-10 ng gabi kamakalawa habang kasagsagan ang malakas na ulan sa nasabing lalawigan nang maganap ang mass jailbreak sa nabanggit na piitan na nasa Barangay Patinay, Prosperidad, Agusan del Sur.
Ayon kay Superintendent Ponciano Luladog, OIC sa Agusan del Sur Provincial Jail nagawang makatakas ng mga preso sa pamamagitan ng paggawa ng isang tunnel.
Lumalabas na gumawa ng hukay ang mga preso sa banyo ng kanilang selda at upang hindi mahalata ng mga jailguards ay ipina-flush ng mga ito sa inidoro ang kanilang nahuhukay na lupa.
Nang matapos ang tunnel, sinamantala ng mga preso ang masamang panahon kamakalawa ng gabi at isa-isang lumusot sa nasabing tunnel na kumukunekta sa labas ng compound ng naturang kulungan.
Mangilan-ngilan na lamang ang lumulusot na preso nang mapansin ng mga nagrespondeng jailguards na naging dahilan upang mabaril at mapatay ang dalawa sa mga ito, habang apat pa ang nadakip.
Patuloy ang isinasagawang operasyon para sa ikadarakip pa ng maraming bilang ng mga pumuga.
Samantala, isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng pamunuan ng PNP at provincial government ukol sa kaso at para mabatid kung sino ang mga dapat na managot sa naganap na mass jailbreak. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended