^

Probinsiya

Mga gamit ng construction company sinunog ng mga rebelde

-
Umaabot sa milyong halaga ng mamahaling kagamitan ng isang construction company ang naabo makaraang sunugin ng sumalakay na mga armadong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kahabaan ng national highway sa Purok Alovera, Crossing Buluan, Ipil, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Ito ay sa kabila ng determinasyon ng pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maisulong ang nabalam na peace talks sa hanay ng mga MILF rebels.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naisakatuparan ng hindi pa mabatid na bilang ng mga rebelde ang panununog sa mamahaling kagamitan ng China Harbor Construction.

Nabatid na dakong ala-1 ng hapon ng maganap ang paghahasik ng karahasan ng grupo ng mga rebelde.

Mabilis na binuhusan ng gasolina ng mga rebelde ang nasabing mga kagamitan at saka sinindihan hanggang sa tuluyang maglagablab.

Matapos ang panununog ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde na dumaan sa may dalampasigan ng nasabing lugar.

Lumitaw sa pagsisiyasat na bago naganap ang insidente ay nakatanggap na ng extortion letter ang may-ari ng naturang kompanya subalit binalewala nila ito.

Naglunsad na ng malawakang operations ang magkakasanib na elemento ng Ipil Police Station at 102nd Brigade ng Phil. Army upang tugisin ang mga nagsitakas na rebeldeng MILF na responsable sa naganap na panununog. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

CHINA HARBOR CONSTRUCTION

CROSSING BULUAN

IPIL POLICE STATION

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PUROK ALOVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with