^

Probinsiya

College professor kinasuhan ng rape

-
DAET, Camarines Norte – Ipinagharap ng kasong panggagahasa ang isang college professor ng sarili niyang 17-anyos na pamangkin makaraang gawin niya itong sex slave sa mahigit na dalawang taon habang ang kanyang misis ay nasa ibang bansa, kamakalawa.

Positibong itinuro ng biktimang itinago sa pangalang Rita ang kanyang sariling tiyuhin na nakilalang si Claro Seña, 48, na siyang gumahasa sa kanya ng makailang ulit sa loob ng bahay ng huli sa Purok 4, Barangay Bagasbas ng nasabing bayan.

Batay sa sinumpaang salaysay ng biktima, pinangakuan umano siya ng suspect na papapag-aralin ng high school kapalit ng pagiging katulong sa bahay.

Buwan ng Hunyo 1997 sa gulang ng 14 ay sinimulan na siyang halayin ng suspect. Halos tatlong beses sa loob ng isang linggo kung gamitin umano siya ng suspect.

Nabatid pa na nasa ibang bansa ang asawa ng kanyang tiyo na siya naman ang pinagdiskitahan nito.

Kasalukuyan naman nakapiit sa BJMP Daet District Jail ang inireklamong suspect. (Ulat ni Francis Elevado)

BARANGAY BAGASBAS

BATAY

BUWAN

CAMARINES NORTE

CLARO SE

DAET DISTRICT JAIL

FRANCIS ELEVADO

HUNYO

IPINAGHARAP

KASALUKUYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with