^

Probinsiya

Marikina Rep. Candazo kinasuhan

-
ANTIPOLO CITY - Pormal nang ipinagharap kahapon ng kaso si Marikina City Rep. Romeo Candazo at ang umano’y lady companion nito ng isang lady caddie na kanila umanong minaltrato at sinaktan habang nasa bingit sila ng pagkatalo sa larong golf, kamakailan.

Matapos na itanggi ni Candazo at ng umano’y kasama nitong si Suzette Lopez ang mga akusasyon, pormal na nagsampa ng mga kasong abuse of authority, physical injury, grave threats at slander sa Antipolo City Prosecutor’s Office ang biktimang si Perla Bemolirao, 33, residente ng Barangay San Juan, Antipolo City.

Sinabi ni Atty. Jesus Huenes, chairman ng Barangay Inarawan at tumatayong abogado ni Bemolirao na ipinursige nila ang kaso dahil sa matinding pagtatanggi ni Candazo sa akusasyon.

Sa pahayag ng biktima, siya umano ang naka-assign na caddie sa nabanggit na solon nang pag-initan siya nito at tatlong beses na batuhin ng bola ng golf ngunit pawang naiwasan niya.

Ito umano ay dahil sa pangit na laro ng solon na malapit ng matalo na naganap sa Forest Hills Golf and Country Club sa Barangay Inarawan ng nabanggit na lungsod.

Malaki umano ang pustahan kaya mainit na ang ulo ng solon.

Hanggang sa dumating sa punto na si Lopez naman ang siyang umatake at sumakal sa kanya. Nagawa niyang makapiglas ngunit pinalo siya ng putter sa tuhod.

Tumigil lamang ito ng sawayin umano ni Candazo na nagsabi ng ganito; "Tama na iyan honey". ( Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY PROSECUTOR

BARANGAY INARAWAN

BARANGAY SAN JUAN

CANDAZO

DANILO GARCIA

FOREST HILLS GOLF AND COUNTRY CLUB

JESUS HUENES

MARIKINA CITY REP

PERLA BEMOLIRAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with