Pulis hinoldap sa kapihan
February 12, 2001 | 12:00am
Camp Nakar, Lucena City Hinoldap ng anim na kalalakihan na nagpakilalang mga kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang miyembro ng Philippine National Police habang ito ay nagkakape sa isang restaurant kamakalawa ng umaga sa Bgy. Canda, Ilaya Lopez, Quezon.
Ang biktima ay nakilalang si PO3 Danilo Hutalla, 44, may asawa, residente ng Calauag, Quezon at nakatalaga sa R2-Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.
Sa imbestigasyon ni Spo3 Paterno Montero na dakong alas 8:30 ng umaga sakay ng kanyang kotse na Toyota Corona (DNR-139) galing sa kampo ng maisipan nitong dumaan sa Cris Restaurant para magkape.
Habang ito ay nagkakape agad siyang nilapitan ng dalawang kabataang lalaki na nakasuot ng fatigue short at maiksi ang buhok.
Nagtataka ang biktima sa paglapit ng dalawang kabataan at ikinagulat nito na sumulpot pa ang apat nitong kasama na pawang armado ng kalibre .45 at M16 armalite rifle at nagpakilalang mga miyembro ng NPA.
Tinutukan ng baril ang biktima at nagdeklarang holdap. Kinuha ng mga suspek ang baril, tsapa at pera na P2,000.
Pero bago umalis ang mga ito ay nag-iwan umano ang mga suspek ng P200 sa biktima at hindi siya sinaktan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest