6 katao tiklo sa pot session
February 2, 2001 | 12:00am
SUBIC, Zambales Anim katao, kabilang ang isang dating radio reporter ang iniulat na nasakote ng pulisya matapos na naaktuhang nagpa-pot session sa isinagawang pagsalakay sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Jerry Sumbad, hepe ng Subic Police station, kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Zenos Moreto, 40, residente ng No. 18, Orosa St., Diamond Subdivision, Balibago, Angeles City sa Pampanga; Melvin Jaca, 18 at ang ama nito na si Renato Jaca, 41, kapwa residente ng B-14 Sitio Saudi, Malabanias, Angeles City; Leopoldo Dumadaog, 42, isang construction worker ng No. 18 Plaridel, Malabanias, Angeles City; Celedonio Caindee, 59, naninirahan sa Block 13, Lot 12, Sta. Elena Subdivision, Calapacuan at Nicolas Lamsin, 40, residente ng Purok 3-A Calapacuan, Subic, Zambales.
Batay sa ulat ng pulisya, ganap na alas-8:00 ng gabi ng salakayin ng mga operatiba ng Subic-PNP ang tahanan ng isa sa anim na suspect na si Lamsin sa nabanggit na lugar na armado ng isang search warrant na ipinalabas ni Judge Miguel Famularcano ng Subic Municipal Trial Court (MTC). Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspect ang pitong maliliit na heat sealed transparent plastic na tumitimbang ng 2 gramo a pinaniniwalaang naglalaman ng high-grade metamphetamine hydrochloride o shabu at ilang mga drug paraphernalias. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest