^

Probinsiya

Anak ng British national dinukot ng ASG

-
Dinukot ng apat na armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang anim na taong gulang na batang babae na anak ng isang mayamang British national sa mismong tahanan nito sa Lamitan, Basilan, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat na tinanggap ng Camp Aguinaldo, ang panibagong biktima ng kidnap ay nakilalang si April Adzam Razul Grant.

Ang biktima ay anak ng British national na si Frank Grant na kamakailan lamang ay nagpa-convert na Muslim ay estudyante ng Lamitan Elementary School.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang insidente ay naganap pasado alas- 9 ng gabi sa Sitio Baroy, Barangay Senga, Lamitan, Basilan. Bigla na lamang pinasok ng apat na suspect ang bahay ng pamilya Grant at nang makita ang bata ay sapilitan nila itong tinangay.

Ayon sa pinakahuling ulat ng mga awtoridad, humihingi ng P100,000 ransom ang mga abductors kapalit ng kalayaan ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

APRIL ADZAM RAZUL GRANT

AYON

BARANGAY SENGA

BASILAN

CAMP AGUINALDO

FRANK GRANT

JOY CANTOS

LAMITAN

LAMITAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with