^

Probinsiya

Assassination plot kina Erap, Enrile at Chavit, nabunyag

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Ibinunyag kamakalawa ng Central Luzon -PNP Command na tangkang magsagawa ng isang assassination plot ang mga rebeldeng NPA laban kina Pangulong Joseph Estrada, Senator Juan Ponce Enrile at maging kay Ilocos Gov. Luis "Chavit" Singson.

Ito ang isinagawang pagbubunyag sa isang panayam kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Chief Superintendent Roberto Calinisan.

Sinabi pa ng opisyal na ang NPA ay isa sa mga ‘well equipped’ o bihasa sa ibang paksyon ng mga rebelde sa bansa sa paggawa ng mga plano ng asasinasyon sa mga ‘high profile political figures’ subalit minaliit nito ang kakayahan ng rebeldeng grupo na manguna sa asasinasyon ng mga nabanggit na opisyal.

Inamin din ni Calinisan na ang mga nakuhang mga dokumento ng pulisya mula sa ilang serye ng pagsalakay sa mga kampo ng NPA ang susi upang matuklasan ang planong ‘assassination’ laban sa Pangulo at sa iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Subalit ayon pa kay Calinisan na ang maraming beses na pagkabigo sa pagtatangka sa buhay ng mga matataas na opisyal ay bunga din naman ng walang humpay at pinag-ibayong intelligence gathering ng pinagsanib na puwersa ng PNP at militar. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

CALINISAN

CENTRAL LUZON

CHAVIT

CHIEF SUPERINTENDENT ROBERTO CALINISAN

ILOCOS GOV

JEFF TOMBADO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

POLICE REGIONAL OFFICE

SENATOR JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with