Balanga, idineklarang lungsod
January 1, 2001 | 12:00am
BALANGA CITY idineklara na kamakalawa ng gabi ng Commission on Election (COMELEC) ang pagiging ganap na siyudad ng bayang ito matapos ratipikahan ng may 81 porsiyentong bumoto sa yes kontra 19 porsiyentong no sa ginanap na plebesito kamakalawa.
Ang proklamasyon ay pinangunahan ni Commissioner Ralp Lantion kasama sina Congressman Enrique Garcia, na siyang naghain ng panukalang batas H.B. 10855 na naglalayong gawing lungsod ang Balanga; Governor Leonardo Roman at Mayor Albert Garcia ng Balanga matapos na bilangin ng Board of Canvassers ang mga balota.
Sa kabuuang 177 presinto, may 35,834 registered voters at 20,141 kabuuang bumuto ng yes ay nakapagtala ng 18,149 boto, samantalang ang no ay nakapagtala lamang ng 1,917 boto. Ang lungsod ng Balanga ay binubuo ng may 26 barangay.
Ipinahayag ni Mayor Garcia na higit niya ngayong kakalingain ang kanyang mga kababayan at matutugunan ng mga lokal na opisyal ng City of Balanga ang mga pangangailangan ng mga mamamayan dahil tatanggap ang lungsod ng mahigit-kumulang sa P150 milyon o higit pa bawat taon.
Sinabi naman ni Governor Leonardo Roman na kung hindi ngayon naratipikahan ang pagiging lungsod ng Balanga ay kailan pa, dahil kitang kita umano ngayon ang pagsulong at paglubog ng ekonomiya sa bayang ito.
Kaugnay nito pinasalamatan nina Cong. Garcia, Governor Roman at Mayor Garcia ang lahat ng mamamayan ng Balanga sa pagsuporta sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok sa plebesito na gawing lungsod ang Balanga. (Ulat ni Jonie L. Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest