^

Probinsiya

Mga daungan sa bansa binabantayan ng PNP

-
Nagsasagawa ngayon ng mahigpit na pagbabantay ang mga operatiba ng PNP sa ilang daungan sa bansa upang mapigilan ang ilegal na pagpapasok ng malaking shipment ng ipinagbabawal na gamot partikular na ang shabu.

Batay sa ulat na nakalap ng PNP, mas malaki ang angkatan ng droga tuwing papasok ang panahon ng Kapaskuhan at tuwing panahon ng bakasyon kung saan ay tila maluwag sa pera ang mga tao. Bunga nito, pinaigting ng PNP-Shabu Watch Teams sa mga baybaying-dagat na karaniwang ginagawang entry point ng mga big-time drug smugglers sa bansa. Ayon kay PNP-National Drug Law Enforcement and Prevention (NDLEP) Center executive director Deputy Director Jewel Canson, ang shabu watch teams ay binuo para tuluyang maharang ang ilegal na transaksyon ng mga international drug syndicates.

Base sa rekord ng NDLEP, simula nang itatag ang Shabu Watch Teams noong 1999 ay nadakip ang apat na Instik sa aktong pagpupuslit ng may 429 kilo ng shabu lulan ng isang sasakyang pandagat sa lalawigan ng Pangasinan. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BATAY

BUNGA

DEPUTY DIRECTOR JEWEL CANSON

DRUG LAW ENFORCEMENT AND PREVENTION

INSTIK

JOY CANTOS

KAPASKUHAN

NAGSASAGAWA

SHABU WATCH TEAMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with