Empleyada dinukot bago itinapon ng 5 carnappers
December 20, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Mistulang baliw ng matagpuan ng mag-asawa ang isang mayamang empleyada na parang baboy na iginapos at saka itinapon sa isang lugar ng mga hindi pa nakikilalang lalaki makaraang tangayin ng mga ito ang bagong Revo na sasakyan ng biktima, kahapon ng madaling araw sa Sampalok 1 sa bayang ito.
Ang biktimang hanggang sa kasalukuyan ay nasa state of shock at ginagamot sa University Medical Center ay kinilalang si Divine Grace Cenizal, empleyada sa isang malaking kompanya sa Makati at residente sa Alabang, Muntinlupa.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Wency Tubay, may hawak ng kaso dakong ala 1:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang ang biktima na sakay ng kanyang Revo na kulay pula na may plakang 537 at bumabagtas sa kahabaan ng Makati papauwi sa kanilang bahay sa Muntinlupa nang biglang harangin ng limang kalalakihan sa kanyang daraanan.
Napilitang ihinto ng biktima ang sasakyan at mabilis na sumakay doon ang limang suspect.
Sa loob ng nasabing sasakyan ay iginapos ang biktima at isa sa mga suspect ang siyang nagmaneho sa naturang Revo.
Pagdating sa Southwoods Carmona ay doon itinapon ang kawawang biktima, bago tuluyang itinakas ang Revo nito.
Isang mag-asawa ang nakasaksi sa ginawang pagtatapon ng mga suspect sa biktima na agad namang nag-ulat sa himpilan ng pulisya.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
5 hours ago
Recommended