^

Probinsiya

Police station nilusob ng NPA rebels: 7 patay

-
Pito ang iniulat na nasawi , anim dito ay mga rebeldeng komunista at isang tauhan ng pulisya , habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraan ang mainitang engkuwentro nang salakayin ng mga rebeldeng NPA ang Casiguran Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Sorsogon, kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat na nakarating sa Central Operation Center ng Camp Crame, kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng mga nasawing rebelde.

Kinilala naman ang nasawing pulis na si PO3 Noli Hadap at ang malubhang nasugatan ay si PO3 Rudy Valeriano.

Ayon sa ulat, sinalakay ng armadong grupo ng mga rebelde ang Casiguran MPS na pinamumunuan ni Inspector Manuel Corpuz sa nabanggit na lugar bandang alas-6:05 ng hapon.

Nabatid na sakay ng jeep ang mga rebelde na biglang umatake sa nabanggit na istasyon ng pulisya.

Hindi naman nagpasindak ang mga tauhan ng pulisya kung kaya umusbong ang sagupaan na tumagal ng may 45 minuto.

Kaugnay nito, isa sa mga rebelde na may dalang dalawang galong gasolina na gagamitin sana upang sunugin ang naturang police station, subalit agad itong nakita ng isa sa pulis kung kaya’t agad itong pinaputukan ng baril.

Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng labanan ang dalawang galon ng gasolina at mga subersibong dokumento na pag-aari ng kilusan.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga kagawad ng Sorsogon PPO at 2nd Infantry Battalion laban sa grupo ng umatakeng mga gerilyang komunista upang papanagutin ang mga ito sa batas. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP CRAME

CASIGURAN MUNICIPAL POLICE STATION

CENTRAL OPERATION CENTER

INFANTRY BATTALION

INSPECTOR MANUEL CORPUZ

JOY CANTOS

NOLI HADAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with