Militar vs NPA: 3 rebelde todas
December 17, 2000 | 12:00am
Tatlong miyembro ng mga rebeldeng NPA ang napaslang makaraang muling makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa isang liblib na lugar sa Bato, Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nagpapatrulya ang mga elemento ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army sa Barangay Payak ng maka-engkuwentro ang grupo ng mga rebeldeng komunista.
Naispatan umano ng tropa ng mga sundalo ang mga rebeldeng NPA sa bisinidad ng nasabing lugar kung saan nang tangkain nilang harangin ang mga ito ay kaagad na nagkaroon ng mainitang pagpapalitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Ang palitan ng putok ay tumagal ng mahigit sa 30 minuto na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong rebelde.
Nasamsam sa mga nasawing rebelde ang dalawang M16 armalite rifles at isang M14 rifle. Wala namang iniulat na nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan.
Ang engkuwentro ay naganap sa kabila ng idineklarang isang buwang suspension ng military operations na nagsimula nitong nakalipas na Disyembre 9 at magtatapos sa Enero 9 ng susunod na taon. Nagdeklara ang gobyerno ng ceasefire sa hanay ng mga rebelde upang mabigyang daan ang diwa ng kapaskuhan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest