8 MILF rebels sumuko sa militar
December 12, 2000 | 12:00am
Walong miyembro ng separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan sa lalawigan ng Lanao del Norte, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, kinilala ang mga nagsisukong MILF rebels na si Pantao Mapondo, Orakunto Casim, Amiro Sultan, Morgan Dimasigi, Boyo Lumayon, Abdul Karim Mohammad, Adel Maamor at Nasser Casim, pawang miyembro ng MILFs 303rd Field Division ng Bangsamoro Islamic Armed Forces.
Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng anim na M-16 rifles, isang caliber .45 pistol at isang cal. 7.62 rifle.
Sina Lumayon, Mohammad, Maamor at Casim ay sumuko sa mga elemento ng 303rd Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army sa West Poblacion, Balol dakong 8:30 ng umaga kamakalawa.
Habang, apat pang rebeldeng MILF ang sumuko sa Commanding Officer ng 58th Infantry Battalion sa Lumasa sa bayan ng Taraka ng nasabi ring lalawigan.
Napag-alaman na ang grupo ng naturang mga surrenderees ay pinamumunuan ni Sultan Sarip Gaga alyas Commander Cobra na aktibong nag-ooperate sa Mulondo sa kalapit na bayan.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong rebeldeng MILF. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended