^

Probinsiya

Dinukot na Hapones, pinalaya

-
ANGELES CITY, Pampanga – Pinalaya na noong nakalipas na Miyerkules ng gabi ang 40-anyos na Japanese national na iniulat na dinukot ng apat na armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng kidnap for ransom gang matapos na umano ay magbayad ng hindi malamang halaga ng ransom sa kanyang mga abductors, ayon sa ulat ng pulisya.

Nakilala ang biktima na si Naganori Suzuki, 40, negosyante at naninirahan sa 486-C Tamarind St., Barangay Malabanias, Clarkview, Subdivision, Angeles City.

Binanggit pa sa report na napalaya rin ang biktima isang araw matapos na ito ay dukutin makaraang magbayad ng ransom ang kaibigan nitong isa ring Hapones.

Kaugnay nito, hindi pa nabatid sa ulat kung saang lugar isinagawa ang negosasyon sa pagitan ng mga suspect at kung saang lugar din pinalaya ang biktima. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANGELES CITY

BARANGAY MALABANIAS

BINANGGIT

C TAMARIND ST.

CLARKVIEW

HAPONES

JEFF TOMBADO

KAUGNAY

MIYERKULES

NAGANORI SUZUKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with