^

Probinsiya

3 sibilyan minasaker ng MILF rebels

-
ZAMBOANGA CITY –Tatlong sibilyan ang iniulat na minasaker ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamamagitan ng firing squad noong nakalipas na Miyerkules sa liblib na lugar sa Carmen, Cotabato, ayon sa ulat ng militar.

Kinilala ni Lt. Col. Fredesvindo Covarrubias, chief ng AFP Civil Relations Group (CRG) sa Mindanao ang mga nasawi na sina Jerry Tobias, Warlito Visto at Aselo Cataentan.

Binanggit pa sa ulat na nagpapastor lamang ang mga biktima ng kanilang mga alagang hayop sa bukirin dakong alas-6:30 ng umaga ng dakpin at pagkatapos ay pagbabarilin ng mga rebelde.

Ginamit umanong panakot ng mga rebelde sa mga residente sa naturang lugar ang ginawang pagpaslang sa tatlong sibilyan.

Nauna rito, sinalakay din ng MILF rebels gamit ang automatic assault rifles at mortars ang isang military detachment sa Barangay Ugalingan.

Dahil dito, napilitan na gumanti rin ang tropa ng militar. Tumagal ang labanan ng may 45 minuto.

Kaugnay nito, inilagay sa alert status ang lahat ng military units sa Mindanao para hadlangan ang anumang pagsasamantala na maaaring isagawa ng Southern Phil. Armed Groups (SPAG) na kinabibilangan ng MILF, NPA, Abu Sayyaf Group at iba pang lawless elements sa nagaganap na political crisis sa bansa kasabay sa unang araw ng isinasagawang paglilitis kay Pangulong Joseph Estrada sa Senado. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ARMED GROUPS

ASELO CATAENTAN

BARANGAY UGALINGAN

CIVIL RELATIONS GROUP

FREDESVINDO COVARRUBIAS

JERRY TOBIAS

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with