^

Probinsiya

SOMO sa MILF sinimulan

-
Sinimulan na kahapon ng pamahalaan ang pagpapatupad ng suspension ng opensibang militar laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF), subalit tuloy-tuloy pa rin ang pagtugis sa grupong Abu Sayyaf para ligtas na mapalaya ang bihag nilang sina Roland Ullah at Jeffrey Schilling.

Ayon kay Defense Secretary Orlando Mercado, ang isang buwang tigil-putukan ay matatapos sa Enero 1, 2001.

Sinabi ni Mercado na hindi saklaw ng SOMO o suspension of offensive military operations ang grupong bandido na hanggang ngayon ay may nalalabi pang dalawang bihag.

Ayon kay Mercado inaasahan ng government panel na pinamumunuan ni Ret. Gen. Edgardo Batenga na babalik ang MILF sa hapag ng negosasyong pangkapayapaan at mayroon nang magagandang palatandaang ipinahihiwatig sila ukol dito.

Sinabi ni Mercado na ang pamahalaan ay nagpakita na ng katapatan para maisulong ang prosesong pangkapayapaan sa MILF.

Dito ay kabilang ang pagpapatibay noong Hulyo 26 ng safety and immunity guarantee pass sa miyembro ng MILF na kalahok sa peace talks.

Nag-alok din ng amnestiya ang pamahalaan sa mga rebeldeng MILF sa pamamagitan ng isang proklamasyon noong nakalipas na Setyembre 29 at ang pag-uurong ng mga kaso laban sa matataas na lider ng MILF noong nakalipas na Oktubre 9. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

DEFENSE SECRETARY ORLANDO MERCADO

EDGARDO BATENGA

JEFFREY SCHILLING

LILIA TOLENTINO

MERCADO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

ROLAND ULLAH

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with