^

Probinsiya

3 pampasaherong bus sinunog ng NPA rebels

-
Camp Olivas, Pampanga – Tatlong pampasaherong bus ang iniulat na sinunog ng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Pungkan, Caranglan, San Jose City, Nueva Ecija, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director Chief Supt. Roberto Calinisan, sinunog ng mga armadong rebeldeng komunista ang isang ordinaryong Victory Liner bus at dalawang air-conditioned bus na Auto Bus sa nasabing lugar.

Batay sa pangunahing imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng harangin ng may tinatayang 50 armadong komunista ang nadaanan ng naturang mga bus at mabilis na pinara ito.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa mga pasahero ng tatlong bus sa naganap na panununog. Hinihinala ng pulisya na may kaugnay sa bigong pagbigay ng kaukulang "revolutionary taxes" ang mga kumpanya ng bus sa mga rebelde. (Ulat ni Jeff Tombado)

AUTO BUS

BARANGAY PUNGKAN

BUS

CAMP OLIVAS

DIRECTOR CHIEF SUPT

JEFF TOMBADO

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

POLICE REGIONAL OFFICE

ROBERTO CALINISAN

SAN JOSE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with