^

Probinsiya

Ex-convict pumatay dahil sa "My Way"

-
ANGONO, Rizal – Balik-kulungan ang isang 32-anyos na ex-convict matapos niyang saksakin at mapatay ang nambugbog sa kanyang kaibigan dahil sa pag-aagawan sa mikropono upang kantahin ang paborito nilang awiting "My Way" kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Namatay sa ibabaw ng mesang kanilang pinag-iinuman ang biktimang si Antonio Floralde, 35, residente ng Villa Angelina, Brgy. San Isidro. Nagtamo ito ng maraming tama ng saksak sa buong katawan.

Agad namang naaresto ang mga suspek na sina Jun Torres, ex-convict at Jesus Aguid, 31; kapwa pahinante ng trak.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jenet Reyes, magkahiwalay na nag-iinuman sina Floralde at Aguid sa loob ng Billiard Hall sa may Carlos "Botong" Francisco Avenue, Brgy. San Isidro at kumakanta sa videoke.

Nang bigla umanong tumugtog ang awitin ni Frank Sinatra na "My Way", agad na hinablot ni Aguid ang mikropono at naunahan nito si Floralde. Sa inis at impluwensya ng alak, galit na pinagsusuntok at pinagtatadyakan ni Floralde si Aguid.

Lumabas ng beerhouse si Aguid at nagsumbong kay Torres na agad bumalik sa naturang lugar at paulit-ulit na pinagtulungang saksakin ng mga ito ang biktima hanggang sa tuluyang mapatay.

Nabatid pa sa pulisya na isang kilabot na kriminal si Torres at kalalaya lamang nito mula sa Iwahig Penal Colony sa Palawan na nakulong ng sampung taon. (Ulat ni Danilo Garcia)

AGUID

ANTONIO FLORALDE

BILLIARD HALL

BRGY

DANILO GARCIA

FLORALDE

FRANCISCO AVENUE

FRANK SINATRA

MY WAY

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with