Ex-priest ng AFP kinasuhan
November 27, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Nahaharap ngayon sa balag ng alanganin ang isang dating pari ng Armed Forces of the Phil. (AFP) makaraang sapakin at tutukan ng baril ang isang 11-anyos na batang lalaki dahil sa napagbintangang nag-iingay sa harap ng bahay ng una noong Oktubre 16 ng gabi sa Brgy. Salitran 3 ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na sinamahang dumulog ng ama sa himpilan ng pulisya na si Apolo Hosea Alomarde, grade 4, at residente ng Block 13, Lot 41 Saint Anthony Subd. ng nasabing lugar.
Samantala, ang suspek na ngayon ay nakalalaya ay nakilalang si Rev. Mc Arthur Cruz, may sapat na gulang, dating Chaplain ng AFP at residente ng Blk 13 Lot 2 ng nasabi din lugar.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Wency Tubay, may hawak ng kaso, naganap ang pangyayari dakong alas 6:30 ng gabi ng nabanggit na petsa malapit sa bahay ng suspek.
Nabatid sa pulisya na nagkataong bumibili ang biktima sa isang tindahan malapit sa bahay ng suspek ng may mga batang nagkakagulo at nagpanakbuhan ng makitang dumarating si Cruz sakay ng owner type jeep.
Ayon pa sa ulat, napagbalingan ng suspek ang biktima na nakatayo at dahil sa ito lamang ang naiwan sa mga batang nagsitakbuhan papalayo ng nasabing lugar ay inakala ng suspek na kasamahan nito ang mga nag-iingay kaya tinutukan nito ng baril at sapilitang isinakay sa sasakyan.
Hanggang sa maganap ang pangyayari at mabilis naman ipinaabot ng biktima sa kanyang ama ang insidente.
Ayon sa pulisya, natagalan ang pagsasampa ng kaso laban kay Cruz dahil sa ilang dokumento pa ang inaayos sa ihaharap na reklamo sa pulisya. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
5 hours ago
Recommended