Radio commentator inutas sa harap ng school
November 18, 2000 | 12:00am
Isang announcer-commentator ng Radio Mindanao Network (RMN) ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga armadong suspect sa tapat ng paaralang pinapasukan ng anak nito sa Pagadian City, kahapon ng umaga.
Sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 9 sa Camp Crame, nakilala ang nasawing biktima na si Olipio " Jun" Jalapit, 34, isang kilalang komentarista ng himpilang Radio Mindanao Network na nakabase sa naturang lunsod.
Napag-alaman na dakong alas- 11 ng umaga nang magtungo ang biktima sa Pagadian Pilot Elementary School na doon nag-aaral ang kanyang anak upang dumalo sa Parent -Teacher Association meeting. Si Jalapit ang over-all president ng samahan .
Ayon sa mga nakasaksi, papauwi na ang biktima kasama ang driver-bodyguard nito mula sa nasabing pagpupulong nang pagbabarilin ng mga suspect na pawang armado ng kalibre . 45 na baril.
Si Jalapit ay agad na binawian nang buhay bunga na rin ng tinamo nitong tama ng bala sa leeg na tumagos sa kanyang kanang pisngi.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso para matiyak kung ano ang motibo sa isinagawang pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended