Wanted na killer sa Marawi City, sumuko sa Mayor
November 16, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Isang lalaki na wanted sa lalawigan ng Mindanao na may kasong murder ang mapayapang sumuko sa Mayor matapos ang limang oras na negosasyon kamakalawa ng gabi sa Brgy. Datu Esmael ng bayang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Sowaib Bayamba, alyas Magondaya Mascada, 35, may-asawa, tubong Marawi City at nakatira sa Blk. 35, Lot 12, Muslim Village ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente at sinabi na ang suspek ay may kasong murder sa Marawi City.
Nagkataon naman na ang Dasmariñas PNP ay may kopya ng arrest warrant kayat agad nilang tinungo ang bahay ng suspek.
Subalit pagdating doon ng mga awtoridad ay pinapasuko ang suspek ngunit ayaw itong lumabas ng bahay at umano ay nagbanta na lalaban ito na armado ng kalibre .38.
Mabilis na nagtungo si Dasmariñas Mayor Pidi Barzaga at konsehal Vic Carungcong at nakiusap ang mga ito na sumukong mapayapa at tutulungan sa kinakaharap nitong kaso.
Limang oras tumagal ang negosasyon bago sumukong mapayapa ang suspek kay Barzaga.
Ang suspek ay may kasong murder sa kanilang lalawigan matapos mapatay ang isang lalaki noong 1989 at nagtago na ito sa Dasmariñas na nag-iba ng pangalan at luminya sa droga na siyang ipinakalat sa kanilang lugar. Walang piyansa na inirekomenda ang hukuman sa suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended