Trader nagbigti
November 13, 2000 | 12:00am
LIGAO, Albay Dahil sa matinding kinakaharap na problema, isang babaeng negosyante ang natagpuan na lamang ng kanyang kapatid na nakabitin sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang nagpakamatay na si Nida Purpura, 45, dalaga, isang negosyante at residente ng naturang lugar.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-2:45 ng hapon na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto ng kanilang bahay sa Brgy. Binatagan.
Ayon sa kapatid ng biktima na hindi na binanggit ang pangalan, kanya sanang gigisingin ang kanyang kapatid dahil hapon na at para mananghalian nang tumambad sa loob ng kuwarto nito na nakabitin.
Nabatid na ang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapatiwakal ay isang nylon cord na itinali nito sa kanyang leeg at saka ibinitin ang kanyang sarili sa biga ng kanilang bahay.
Nauna rito, isang linggo ng walang imik at malalim ang iniisip ng biktima na hindi naman pinansin ng kanyang mga kapamilya dahil sa pag-aakalang may kinalaman sa kanyang negosyo.
May palagay ang mga kapamilya ng biktima na ito ay may personal na problema na siyang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng negosyante. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest