^

Probinsiya

Kumander ng NPA rebels nilikida ng sariling tauhan

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang kumander ng New People’s Army (NPA) ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanya mismong mga tauhan matapos umano itong lumabag sa panuntunan ng kanilang kilusan kamakalawa sa Sitio Martin, Barangay Santo Niño, Bamban, Tarlac.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO-3) Director Chief Supt. Roberto Calinisan, kinilala nito ang kumander na pinaslang ng kanyang mga tauhan na si Honorio Cariño alyas "Kumander Kidlat,’’ 60, naninirahan sa Barangay Santo Niño, Bamban, Tarlac.

Si Cariño ay namatay noon din sa pinangyarihan sanhi ng tinamo nitong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa M-16 riffle at carbine.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi, dumating umano sa bahay ng biktima ang may tinatayang pitong armadong kalalakihan na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at sinabing ipinatatawag umano siya ng kanilang mga superior.

Habang naglalakad umano sila sa nasabing lugar patungo sa kanilang kampo ay bigla umanong dinisarmahan ng mga rebelde ang biktima at mabilis na tinali ang mga kamay nito ng patalikod at walang awang nilaslas ng mga ito ang lalamunan bago pinagbibistay ng mga bala.

Napag-alaman sa ulat na hinatulan umano ang biktima sa ilalim ng ‘‘People’s Court’’ ng CPP-NPA dahil umano sa paglabag nito sa panununtunan sa naturang samahan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY SANTO NI

DIRECTOR CHIEF SUPT

HONORIO CARI

JEFF TOMBADO

KUMANDER KIDLAT

NEW PEOPLE

POLICE REGIONAL OFFICE

ROBERTO CALINISAN

SI CARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with