Scooter sumalpok sa truck; misis patay
November 12, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite  Namatay habang ginagamot sa University Medical Center ang isang 39-anyos na ginang habang masuwerte namang nakaligtas ang binata nitong anak makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang scooter Honda Motor cycle sa isang truck ng softdrink sa kahabaan ng Congressional Avenue Brgy. Burol Main ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Ang biktimang namatay habang ginagamot ay nakilalang si Aurora De Lumban, 39 anyos, may asawa, negosyante, at residente ng Brgy. Lancaan 2 ng bayang ito, habang nakaligtas ang anak nito na nakaangkas sa motorsiklo na si Jan Michael De Lumban, 16 anyos, estudyante.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Ronald Lorenzo, may hawak na kaso, dakong ala-1:00 ng hapon ng maganap ang aksidente sa nasabing lugar ay kasalukuyang sakay ng Honda Motorcycle ang mag-ina patungo sa nasabing lugar at may sinusundan umano itong isang pampasaherong jeep.
Biglang huminto ang nasabing sasakyan at sa bilis ng takbo at babangga sila kaya’t kinabig nito ang manibela pakaliwa at nasalubong naman itong isang truck ng softdrink na minamaneho ni Raymundo Bello, 33 anyos, may-asawa, driver at salesman ng Cosmos Bottling Corp. na may plakang PPN-681.
Dito sumalpok ang mag-ina at tumalsik sa kalsada at sila ay mabilis na dinala sa pagamutan subalit namatay ang ginang habang masuwerte namang nakaligtas ang anak na nagtamo lamang ng mga galos at pasa sa katawan.
Nabatid pa sa imbestigador na wala umanong dapat panagutan ang driver ng nasabing truck dahil sa sinakop ng mga biktima ang linya ng suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended