^

Probinsiya

Mga bayan sa Cavite lubog sa baha

-
CAVITE – Umapaw na ang halos lahat ng mga ilog sa lalawigang ito dahilan para lumubog ang mga bayan dito dulot na rin ng bagyong Seniang.

Sa kasalukuyan ay lagpas tao na ang tubig-baha sa bayan ng Noveleta, Kawit, Rosario, Cavite City at Bacoor habang sa bayan ng Dasmariñas at Imus ay hanggang beywang na ang tubig. Ang toll bridge ay hindi na rin madaanan ng mga sasakyan, gayundin ang Salitran bridge sa bayan ng Dasmariñas ay bumigay sa sobrang lakas ng agos ng tubig.

Nag-ikot na sina Cavite Gov. Ramon Bong Revilla Jr. at Dasmariñas Mayor Pidi Barzaga upang tumulong sa mga nabiktima ng bagyo, katuwang ang Rescue 161 at DSWD, gayundin ang rescue team at namigay ng mga gamot, damit at mga relief goods sa mga apektadong residente.

Ayon kina Revilla at Barzaga, hindi nila sukat akalain na sa loob ng nakalipas na mahigit 20 taon at ilang bagyo at kalamidad na rin ang dumaan sa lalawigan ng Cavite ay ngayon lamang nangyari ang ganito ka-grabeng pagbaha. Dati umano kahit pa sabay-sabay ang pagdating ng ilang bagyo ay hindi lumulubog ang lalawigan ng Cavite.

Ngayon din lamang umano nangyari na mga bahay, sasakyan at malalaking puno ang tinatangay ng tubig-baha na dati ay mga basura lamang. Marami na rin ang nasirang mga tulay kung kaya stranded ang mga pasahero at residente dito.

Lubhang naapektuhan ng nasabing bagyo ang bayan ng Bacoor, Dasmariñas, Cavite City, Kawit, Naic, Silang, Rosario, Noveleta at Imus na habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin bumaba ang lagpas-taong tubig baha. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BACOOR

CAVITE

CAVITE CITY

CAVITE GOV

CRISTINA GO-TIMBANG

DASMARI

KAWIT

MAYOR PIDI BARZAGA

NOVELETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with