^

Probinsiya

Magsasaka inutas dahil sa saging

-
CAMALIG, Albay – Dahil kinukuha ang bunga ng isang puno ng saging na nabuwal ng bagyong Reming, isang lalaki ang nasawi matapos na ito ay tagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa ng hapon sa Barangay Panoypoy ng bayang ito.

Ang biktima na hindi na umabot pang buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilalang si Dionisio Lucillo 65, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Samantala, ang suspek ay si Gregorio Muella 54, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon habang ang biktima ay nag-iikot sa kanyang lupain para tingnan kung ano ang mga nasalantang pananim.

Ngunit ng makita ng biktima ang suspek na pinuputol ang isang puno ng saging na nabuwal at kinukuha ang bunga nito ay nagalit ito dahil hindi man lamang nagpaalam sa kanya ang huli.

Sa galit ng biktima, ito ay umuwi muna sa kanilang bahay para kunin ang itak subalit siya ay sinalubong ng suspek ng taga.

Dahil sa medyo bata pa ang suspek ay mabilis na nailagan nito ang mga unday ng taga ng biktima hanggang sa tamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis naman na isinugod ang biktima ng kanyang pamilya sa naturang pagamutan subalit namatay na ito bago dumating dito.

Kaagad namang sumuko ang suspek sa kanilang barangay kagawad na bago isinuko naman sa mga awtoridad. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

BARANGAY PANOYPOY

BATAY

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BIKTIMA

DAHIL

DIONISIO LUCILLO

ED CASULLA

GREGORIO MUELLA

KAAGAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with