^

Probinsiya

Babaerong mister tinodas ni misis

-
GUBAT, Sorsogon – Isang misis ang buluntaryong sumuko sa mga awtoridad matapos nitong pagtatagain hanggang sa mapatay ang kanyang mister dahil sa matinding selos sa Barangay Lapinig ng bayang ito.

Ang biktima na tadtad ng tama sa katawan ay nakilalang si Juanito Dialogo 60, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Samantala, kaagad na sumuko sa pulisya si Anuaria Dialogo 61, asawa ng biktima.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-9:10 ng gabi habang ang suspek at biktima ay nagtatalo sa loob ng kanilang bahay.

Napag-alaman na ang suspek ay nagseselos sa kanyang mister dahil sa may natanggap itong tsismis na may kinalolokohan itong babae na mas bata pa kaysa sa kanya.

Subalit nagpaliwanag ang biktima sa kanyang misis na wala siyang kinalolokohang babae.

Ngunit hindi pinakinggan ng suspek ang asawa hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo at sabay na pumasok sa kusina at kinuha ang itak. Nang makuha ng supek ang itak ay pinagtataga nito ang mister na nakaupo sa silya na kaagad na nasawi dahil sa tama ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos na makita ng misis na halos hindi na humihinga na nakabulagta sa sahig ang kanyang asawa ito ay mabilis na umalis ng kanilang bahay at isinuko ang kanyang sarili sa mga awtoridad para panagutan ang kanyang ginawang krimen.

Ang suspek ay nakakulong sa Gubat Municipal Jail ng Gubat at nahaharap sa kasong Parricide. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ANUARIA DIALOGO

BARANGAY LAPINIG

ED CASULLA

GUBAT MUNICIPAL JAIL

ISANG

JUANITO DIALOGO

KANYANG

MATAPOS

NANG

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with