^

Probinsiya

Turistang nahulog sa lahar deposit, nakaligtas

-
Himalang nakaligtas ang isang 55 taong gulang na Australian mountainer, makaraang mahulog ito sa may 20 talampakang masikip at malalim na lahar deposit habang umaakyat sa bulubunduking bahagi ng Sapang Bato, Angeles City, Pampanga, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa report ng tanggapan ni Phil. Air Force (PAF) Chief Major General Benjamin Defensor Jr., nahirapan ang kanilang search and rescue team bago tuluyang nailigtas ang biktimang kinilalang si David Run Came.

Ayon sa imbestigasyon, nakatuwaan umano ni Came kasama ang isang grupo ng mountaineers na akyatin ang bulubunduking lahar ng Sapang Bato ng maganap ang sakuna matapos mahulog sa isang malalim na uka.

Masyado umanong masikip at sobrang lalim ang kinahulugan ng biktima at hinang-hina ito matapos na humampas ang kanyang katawan sa mabato at napapaligiran ng lahar na kabundukan.

Nakatanggap ng emergency call sa telepono si Col. Edgar Calvo, Air Force City Commander mula kay Angeles City Mayor Carmelo Lasatin upang iligtas ang biktima.

Sa pamamagitan ng Air Force’s 505th Search and Rescue Group ng PAF ay nagtungo ang mga ito sa pinangyarihan ng insidente.

Gayunman nabigo ang mga itong makalapag sa matarik na lugar kaya’t pinaikot ang helicopter sa lugar na kinabagsakan ng naturang turista. Sa tulong ng dalawang paramedics ay matagumpay na na-airlift ang biktima.

Kasalukuyang nagpapagaling si Came sa isang pribadong hospital sa Maynila na idineklarang nasa ligtas ng kalagayan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE CITY COMMANDER

ANGELES CITY

ANGELES CITY MAYOR CARMELO LASATIN

AYON

CHIEF MAJOR GENERAL BENJAMIN DEFENSOR JR.

DAVID RUN CAME

EDGAR CALVO

JOY CANTOS

SAPANG BATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with