Van vs bus: 3 opisyal ng DFA, driver todas
October 29, 2000 | 12:00am
Tatlong opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at driver ng mga ito ang kumpirmadong nasawi habang tatlo pa nilang kasamahan ang nasa kritikal na kondisyon makaraang bumangga ang kanilang sinasakyan sa kasalubong na rumaragasang pampasaherong bus sa lalawigan ng Isabela, kahapon ng umaga.
Batay sa inisyal na report na ipinarating kahapon ng Police Provincial Office (PRO) 2, nakilala ang mga nasawi na sina Atty. Karen Canon Special Asst. for Usec for Administration; Consul Marivic Gaverza Usec for the Intelligence and Economic Relations; Nora dela Cruz Staff for Office of Fiscal Management at ang driver na si Ceasario Madlang-awa.
Nasa malubhang kalagayan naman ang mag-asawang Mila at Rodolfo Villegas at Harry Ponce na General Manager ng Multi-Purpose Cooperative Division ng DFA.
Nabatid na naganap ang naturang aksidente dakong alas-6:10 ng umaga sa kahabaan ng kalsada sa bisinidad ng Brgy. Tarinsing, Cordon sa nasabing lalawigan.
Kasalukuyan umanong binabaybay ng isang Toyota Hi-Ace Van na may plakang UNC-853 na kinalululanan ng mga opisyal ng DFA patungong Tuguegarao City upang dumalo sa isang pagtitipon sa nasabing lugar nang sumabog ang isang gulong nasa kaliwang likurang bahagi ng kanilang sasakyan.
Bunga nito nawalan ng kontrol ang driver ng naturang sasakyan at bumangga sa kasalubong na pampasaherong bus na Royal Eagle Transit na may plakang PWS-300 na minamaneho ng isang Dominador Agparap na patungo naman sa Maynila mula sa Santiago City.
Sa lakas ng pagkakabangga sa nasabing pampasaherong bus, tumilapon umano ang sasakyan ng mga biktima at sumalpok sa isang puno ng akasya na siyang naging dahilan ng agad na pagkasawi ng apat.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa Flores General Hospital sa Santiago City ang tatlong biktima na nasa malubhang kalagayan.
Samantalang patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na sakuna. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest