^

Probinsiya

Coed ni-rape ng ka-text mate

-
"Kung nakinig lang ako ng payo sa aking magulang na huwag makikipag-text sa mga taong hindi ko kakilala lalo na sa mga lalake hindi ko sasapitin ang ganitong kapalaran"

Ito ang luhaang pahayag ng biktima na itinago sa pangalang Luisa,18, estudyante ng isang kolehiyo at residente ng Brgy. Bunsuran 2, Pandi, Bulacan sa pulisya matapos magsampa ng kaso sa suspek na nakilalang si Dennis Ballesteros, 19, ng Brgy. Sta. Rita na kanyang text mate.

Sa pahayag ni Luisa sa pulisya, isang Linggo pa lamang silang nagkakilala ng suspek sa pamamagitan ng text messaging nang yayain siya nito na magkita ng personal at kumain sa isang fast food sa Balagtas, Bulacan.

Matapos na magkita at kumain niyaya ng suspek ang biktima na magpunta sa bahay nito upang ipakilala sa mga magulang at doon ay naghanda ng kaunting pagsasaluhan.

Subalit walang tao na dinatnan ang biktima sa bahay ng suspek kaya kinabahan ito at lumabas ng bahay subalit siya ay hinarang at agad sinara ang pinto.

Puwersahang kinaladkad ng suspek ang biktima sa loob ng kuwarto at doon ay hinalay at pagkatapos na makaraos ito ay iniwan ng una.

Sinamantala ng biktima ang pag-alis ng suspek kaya ito ay nakatakas at pagkauwi sa bahay ay doon sinabi sa kanyang magulang ang ginawa ng kanyang text mate.

Kasalukuyang nagtatago ang suspek ng malaman nitong nagsampa ng kasong rape ang biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BALAGTAS

BIKTIMA

BRGY

BULACAN

BUNSURAN

DENNIS BALLESTEROS

EFREN ALCANTARA

LUISA

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with