^

Probinsiya

2 assets ng pulis at militar nilikida ng NPA rebels

-
Dalawang umano’y informer ng pulisya at militar ang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa Remedios Romualdez, Agusan del Norte, ayon sa ulat ng pulisya, kahapon.

Namatay noon din mula sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Salome Terrones at Martin Layuhan.

Batay sa report, dakong alas-10 ng gabi nang harangin ang mga biktima habang naglalakad ang mga ito sa bisinidad ng Brgy. San Antonio ng nasabing munisipalidad.

Bigla na lamang umanong bumunot ng baril ang mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ang mga biktima sa kabila ng pagmamakaawa ng mga ito.

Bago umano naganap ang insidente ay nakatanggap ng death threats ang dalawang biktima mula sa grupo ng mga rebeldeng komunista na nagalit dahilan sa aktibong pagbibigay ng mga ito ng impormasyon sa mga operatiba ng militar at pulisya kaugnay na rin ng pinaigting na insurgency campaign ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

AGUSAN

BATAY

BIGLA

JOY CANTOS

MARTIN LAYUHAN

NEW PEOPLE

REMEDIOS ROMUALDEZ

SALOME TERRONES

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with