^

Probinsiya

Rapist ng 2 kapatid, ininguso ng bunsong utol

-
Nadakip ng mga tauhan ng DILG-Task Force Katapat 1 ang isang ama ng tahanan na umano’y ginawang sex slave ang dalawang anak na dalagita sa loob ng halos isang taon sa lalawigan ng Cavite.

Kinilala ni Superintendent Carlos Baltazar, DILG-TF Katapat 1 chief, ang naarestong suspek na si Jesus Robellon Sr., 36, hiwalay sa asawa at nakatira sa Silang, Cavite.

Ayon sa report ni Chief Inspector Nelson Yabut ng TF Katapat 1, bandang alas-6:00 ng umaga kahapon ng kanilang aaaresto ang suspect sa pinagtataguan nito sa Noveleta, Cavite.

Winika pa ni C/Insp. Yabut, nagtungo sa kanyang tanggapan ang anak ng suspect na si Jesus Jr., 8 taong gulang, kasama ang kanyang tiyahin para isumbong ang ginagawang kababuyan ng kanyang ama sa 2 niyang Ate na sina Jane, 13 anyos at Karen, 12 anyos (pawang di-tunay na pangalan).

Sinabi ni Jesus Jr., nakita niyang hubo’t hubad ang kanyang ama at Ate Jane na nakahiga sa kama habang nanonood ang mga ito ng bold films sa VHS. Habang dinadaliri naman ng kanyang ama ang kanyang Ate Karen. Napag-alaman na hindi na umano pinapasok sa eskwelahan ang magkapatid ng kanilang ama upang hindi nito maikuwento sa ibang tao ang ginagawa. Pero hindi naman masikmura ng kapatid ng suspek ang ginagawa nito sa kanyang mga pamangkin kaya nagsumbong ito. Itinanggi naman ng suspek ang paratang sa kanya. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ATE JANE

ATE KAREN

CAVITE

CHIEF INSPECTOR NELSON YABUT

JESUS JR.

JESUS ROBELLON SR.

KANYANG

KATAPAT

RUDY ANDAL

SUPERINTENDENT CARLOS BALTAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with