2 trader tiklo sa NBI drug bust
October 19, 2000 | 12:00am
Dalawang negosyante na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na gunrunning syndicate ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa isinagawang buy-bust operation sa Laguna, kamakailan.
Kinilala ni NBI Director Federico Opinion ang mga suspek na sina Artemio Feliciano Alvero alias Chito, 33, may-ari ng Alvero Executive Inn at Edgardo Bargados, Jr., alias Gado, 26, pawang nakatira sa San Pablo City, ng nasabing lalawigan.
Noong Oktubre 12, taong kasalukuyan, agad na nagtungo ang mga ahente ng NBI sa San Pablo City at dito isinagawa ang buy-bust operation. Nagpanggap na posuer buyer ang isang NBI agent at sa halagang P25,000 ay nagkasundo sila na bibili ng tatlong baril na Colt M16 rifles.
Nagtagpo ang ahente ng NBI at dalawang suspek sa isang kuwarto ng Alvero Tourist Inn at kinuha ni Gado ang tatlong binibiling baril sa loob ng nakaparkeng Mitsubishi Montero na may plakang PJK-290. Matapos na maipakita ang mga baril ay agad na hiningi ng mga suspek ang pera subalit mabilis naman nagsulputan ang iba pang ahente ng NBI at dinakip ang dalawang suspek. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest