^

Probinsiya

Jeep bumaligtad: 2 katao patay, 29 sugatan

-
DEL GALLEGO, Camarines Sur – Dalawa ang nasawi at 29 na iba ang nasugatan matapos na ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep ay bumaligtad sa kahabaan ng Quirino Highway ng Barangay Cumadaycaday sa bayan na ito.

Ang dalawang nasawi ay nakilalang sina Jack Marbidi, 21, binata at Roel Pascual, 20, binata kapwa taga-Surigao Del Norte, samantala 29 pa ang sugatan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-5 ng madaling araw habang ang Izusu jeep na may plakang DHJ-531 na minamaneho ni Moises Botan ay patungong Metro Manila.

Nabatid na ang naturang jeep na puno ng sakay ay galing sa Surigao at habang ito ay papaliko sa isang kurbadang kalsada ay bigla na lamang itong bumaligtad at gumulong sa kalsada. Kasalukuyang iniimbistigahan ng mga awtoridad ang naturang pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY CUMADAYCADAY

CAMARINES SUR

DALAWA

ED CASULLA

JACK MARBIDI

METRO MANILA

MOISES BOTAN

QUIRINO HIGHWAY

ROEL PASCUAL

SURIGAO DEL NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with