Kotse bumulusok sa bangin: 3 pari grabe
October 17, 2000 | 12:00am
CALAUAG, Quezon Malubhang nasugatan ang tatlong pari matapos na ang sinasakyan nilang kotse ay mahulog sa may 15 talampakang bangin habang binabagtas nila ang Maharlika Highway na sakop ng Barangay Sto. Domingo sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Ang mga biktima na kasalukuyang ginagamot sa St. Peter Hospital sanhi ng tinamong mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Rev. Ruben Espino, Rev. Joel Baralles at Rev. Francisco Capel na nakatalaga sa ibat-ibang kapilya sa Bicol Region.
Sinabi sa ulat ng pulisya na dakong alas-8 ng umaga ng maganap ang insidente habang ang tatlong pari ay lulan ng isang Toyota Corolla na kotse na minamaneho ni Rev. Tolentino.
Pagsapit sa isang kurbada ay nawalan ng kontrol ang sasakyan at saka bumangga sa isang puno ng niyog at tuloy-tuloy na nahulog sa bangin sa gawing kanan ng kalye.
Mabilis namang sumaklolo ang mga elemento ng 201st Brigade at 42 LAC Phil. Army at iniahon buhat sa bangin ang mga sugatang biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
Napag-alaman pa na ang nasabing mga pari ay patungo sa Bicol Region ng maganap ang aksidente. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest