Sekyu vs 8 magnanakaw : 2 suspek todas
October 17, 2000 | 12:00am
Dalawa sa walong lalaking sinasabing nagnanakaw ng mga baboy ang iniulat na nasawi matapos na makipagpalitan ng putok sa mga nagrespondeng guwardiya sa Piggery and Poultry Farm na kanilang pinasok sa Antipolo City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Superintendent Ronald Estilles, hepe ng Antipolo City Police ang isa sa nasawing suspect na si Ritchaldo Gallala, 30. Samantalang ang isa pang nasawi ay hindi pa nakikilala ng mga awtoridad.
Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Piggery and Poultry Farm na matatagpuan sa Sitio Abuyod, Barangay San Jose.
Binanggit sa ulat na papalabas na ang grupo ng mga suspect habang binubugaw ang hindi malamang bilang ng mga kakataying baboy sa silangang bahagi ng farm ng maka-engkuwentro ang nagpapatrulyang guwardiya.
Inutusan ni Chief Security Officer Benjamin Caballo, ang mga suspect na huminto subalit imbes na sumunod ay pinaputukan ng mga ito ang grupo ng mga security guards.
Nagkaroon ng maikling pagpapalitan ng putok ang magkabilang panig at pagkatapos nito ay nakita nang nakabulagta ang dalawa sa mga suspect, habang ang ilan nilang mga kasamahan ay mabilis na nakatakas.
Narekober sa lugar na pinangyarihan ng labanan ang isang .22 paltik at isang mahabang itak na may bahid ng dugo.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest