^

Probinsiya

School teacher dinukot ng manliligaw

-
Isang pampublikong guro ang dinukot ng umano’y masugid na manliligaw makaraang bastedin ng una sa Lamitan, Basilan, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinarating ni Sr/Supt. Jilhani Nani, Regional Director ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) sa Camp Crame, ang biktima ay si Harbia Abrera, 29, guro ng Lamitan Elementary School. Pinaghahanap ng pulisya si Hasil Asmawil ng Brgy. Baas, Lamitan ng nasabing lalawigan upang mabawi ang biktima kasabay ng pagsasampa ng kasong kidnapping sa lalaki.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Lamitan, patungo si Abrera sa nasabing paaralan dakong alas-9:30 ng umaga nang biglang harangin ito ng suspek at sapilitang isinakay sa motorsiklo.

Ayon sa report, ilan taon nang masugid na nanliligaw si Asmawil kay Abrera ngunit hindi ito tinugon ng biktima kung kaya’t isinagawa ang planong pagtangay sa guro.

Napag-alaman din mula sa mga magulang ng biktima na noon lamang nakalipas na linggo ay tahasan nang ipinagtapat ng biktima na walang maaasahan ang suspek dito.

Bungsod nito ay pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ang pagtanggi sa pag-ibig ni Asmawil ang naging dahilan sa pagdukot nito sa nasabing guro.

Samantala, isang malawakang paghahanap ang isinasagawa ng pamunuan ng PNP-Lamitan upang mabawi sa suspek ang biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ABRERA

ASMAWIL

CAMP CRAME

HARBIA ABRERA

HASIL ASMAWIL

JHAY MEJIAS

JILHANI NANI

LAMITAN

LAMITAN ELEMENTARY SCHOOL

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with