Driver ng mayor patay sa ambush
October 16, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Isang 38-anyos na lalaki na umanoy driver sa negosyo ni Imus Mayor Oscar Jaro ang tinambangan ng di-kilalang salarin habang sakay ng isang delivery van ang una sa Kadiwa Public Market, Brgy. Burol 1 ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Sr. Insp. Reynaldo Galam, Officer-In-Charge ng Dasmariñas Police Station, ang biktima na si Gabriel Baquirin, 38, driver at taga-deliver ng karneng baboy na negosyo ng nasabing alkalde at nakatira sa Brgy. Tanzang Luma, Imus, Cavite.
Si Baquirin ay nasawi bunga ng tama ng di-pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.
Kasalukuyang tinutugis naman ng awtoridad ang suspek na sakay ng isang motorcycle scooter na kulay pula at walang plaka.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Cornelio Bugayong, may hawak ng kaso, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang pananambang. Kasalukuyan umanong nagdidiskarga ng mga karneng baboy ang biktima sa nasabing pamilihan nang lumapit ang di-kilalang suspek sakay ng isang scooter at walang sabi-sabing binaril ng malapitan sa ulo.
Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang get-away vehicle dala ang baril na ginamit sa pamamaslang.
May hinala ang pulisya na posibleng may matagal nang alitan ang biktima at suspek na nagbunsod ng krimen habang pinag-aaralan naman ang teorya na pulitika ang nasa likod ng pagpatay sa driver ni Mayor Jaro. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Cristina Timbang | 20 hours ago
By Tony Sandoval | 20 hours ago
Recommended