^

Probinsiya

36 pang Sayyaf nasakote sa raid

-
ZAMBOANGA CITY– Tinatayang may 36 na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group ang iniulat na nadakip ng mga tauhan ng Special Warfare Group (SWG) ng militar sa isinagawang raid noong nakalipas na Biyernes sa island village ng Luuk, Sulu.

Ang naturang pagsalakay ay pinalakas ng tropa ng pamahalaan sa kalapit islands ng Sulu matapos silang makatanggap ng ulat na dito naglungga ang mga tumakas na miyembro ng ASG.

Sa ulat na tinanggap ni Lt. Gen. Diomedio Villanueva, chief ng AFP Southern Command na ang raid ay isinagawa ng SWG sa Pucad Manaol, Barangay Bulangsi, sa bayan ng Luuk.

Ang mga bandido ay dito umano nagtago makaraang takasan ang pinalakas na opensiba ng militar sa layuning mabawi ang natitira pang mga bihag.

Sinabi pa sa ulat na sa mga nadakip, 19 dito ay pawang mga lalaki, 10 ay mga babae at 7 ang menor de edad.

Ang mga dinakip ay agad na itinurn-over kay Col. Gene Clemen ng Marine Battalion Landing Team 10 para sumailalim sa tactical interrogation. (Ulat ni Roel Pareño )

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY BULANGSI

DIOMEDIO VILLANUEVA

GENE CLEMEN

LUUK

MARINE BATTALION LANDING TEAM

PUCAD MANAOL

ROEL PARE

SOUTHERN COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with