^

Probinsiya

P4M puslit na relos nasamsam

-
OLONGAPO CITY – Tinatayang aabot sa P4 na milyon ang halaga ng ibat-ibang uri ng imported na relos na nagmula pa sa bansang China ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang follow-up operations sa Barangay New Kalalake dito, kamakalawa.

Ayon kay Major Jay Algenio, chief ng Subic Customs Police na ang naturang mga smuggled na imported men’s wristwatches na pawang nakapaloob sa 120 malalaking kahon na may asignaturang ‘Southern Comfort’ ay nasamsam ng mga operatiba dakong ala-1:30 ng hapon lulan sa isang Mitsubishi L-300 van na may plakang WHD-799. Ang bawat kahon ay naglalaman ng 200 piraso ng relos.

Nabatid na ang mga relos ay inilabas mula sa Subic Bay Freeport Zone matapos na ito ay ilabas ng naturang sasakyan sa 14th Bridge gate ng freeport at ito ay nasabat sa panulukan ng 14th St., Barangay New Kalalaki, Olongapo City.

Napag-alaman pa na ang mga nakumpiskang mga smuggled items ay pag-aari ng Indigo Inc., isa sa mga lokal locator ng SBFZ at nabatid na ang mga ito ay pawang mga tax free items. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

BARANGAY NEW KALALAKE

BARANGAY NEW KALALAKI

BUREAU OF CUSTOMS

INDIGO INC

JEFF TOMBADO

MAJOR JAY ALGENIO

MITSUBISHI L

OLONGAPO CITY

SOUTHERN COMFORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with