^

Probinsiya

5 tauhan ni Kumander Robot sumuko sa militar

-
Limang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na pawang mga tauhan ni Ghalib Andang, alyas Kumander Robot ang sumuko sa pamahalaan bunga ng nararanasang matinding gutom kaugnay nang pinaigting na military assault sa lalawigan ng Sulu upang durugin ang grupo at mabawi ang natitira pang mga bihag.

Sinabi ni AFP Chief of Staff Angelo Reyes na naganap ang unang pagsuko ng dalawang miyembro ng bandido dakong alas-6:30 ng umaga sa Camp Andres, Luuk, Sulu, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang sumukong bandido na sina Cesar Taug at Zaldy Hayudeni, kapwa kabilang sa mga kidnappers na tinutugis ng militar sa lalawigan ng Sulu upang mabawi ang nalalabi pang limang hostages.

Batay sa ulat, sina Taug at Hayudeni ay boluntaryong sumuko sa Joint Task Force Trident.

Ang dalawa ay sumurender matapos ang masusing pakikipagnegosasyon na isinagawa ni Panglima Mayor Hadji Abbas Estino.

Isinuko rin ng mga ito ang dalawang M14 rifles, isang M 16, isang garand rifles at ibat-ibang mga uri ng bala.

Sa isinagawang tactical interrogation, inamin ng dalawa na hirap na sila sa pagtakas, gayundin ang kawalan ng makakain at kakapusan ng supply ng mga bala.

Sa isa pang insidente nang pagsuko, sumuko na rin ang tatlo pang miyembro ng ASG na nakilalang sina Abdulkani Julkani, Sadat Pala at Muni Igasan na sumuko sa Task Force Charlie na nakabase sa Panglima ng nasabing lalawigan.

Isinuko rin ng mga ito ang isang M-14 rifles at dalawang cal. 30 M1 garand rifle.

Kaugnay naman nito, kinumpirma din ni Reyes, base sa ulat ng mga ground commanders ng militar na buhay pa ang limang nalalabing mga hostages na kinabibilangan ng black American na si Jeffrey Craig Edwards Schilling, Filipino diving instructor na si Roland Ullah at ang tatlong Malaysian nationals na sina Muhammad Nur Sulaiman, Joseph Jongkinoh at Ken Wee Cheong. (Ulat ni Joy Cantos)

ABDULKANI JULKANI

ABU SAYYAF GROUP

CAMP ANDRES

CESAR TAUG

CHIEF OF STAFF ANGELO REYES

GHALIB ANDANG

ISINUKO

JEFFREY CRAIG EDWARDS SCHILLING

JOINT TASK FORCE TRIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with