^

Police Metro

Kandidatong solon sa Makati 2nd District pinadidiskwalipika sa Comelec

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nahaharap sa disqualification case si Makati City Councilor Dennis Almario na kandidato sa congressional seat ng ikalawang distrito ng lungsod na inihain sa Comelec First Division ni Gaudencio Babasa Jr. dahil sa kabiguan ng una na ipabatid umano ang naging conviction nito sa ‘crimes involving moral turpitude’.

Base umano sa official records ng New Jersey Judiciary, lumalabas na si Almario ay convicted sa kasong drug dealing at sinasabing mayroong kaakibat na parusang pagkakakulong ng limang taon. Bukod dito, sinasabing nahatulan din ang Makati City councilor ng 44 days jail term at two years’ probation bunsod naman ng kasong burglary.

Noong Enero 21 ay isinantabi ng Comelec First Division ang naturang disqualification case dahil hindi umano properly authenticated ang mga isinumiteng dokumento, subalit binanggit ang Supreme Court (SC) jurisprudence na ang kabiguan ng isang kandidato na ipagbigay-alam ang kanyang conviction sa crime against moral turpitude ay masasabing isang ‘false material representation’.

Sa kanyang mosyon, binigyan-diin ni Babasa na ang kanyang mga ebidensiya ay self-authenticating sa ilalim ng Sec. 19(a) ng Rule 132 ng Revised Rules of Evidence, na kinikilala ang official records mula sa foreign tribunals bilang public documents.

MAY ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->