^

Police Metro

Higit 76% ng balota para sa midterm polls, tapos nang iimprenta

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natapos nang maimprenta ng Commission on Elections (Comelec) ang mahigit 76% na ng mga balotang gagamitin para sa May 12, 2025 National and Local Elections (NLE).

Batay sa datos na ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa media kahapon, nabatid na hanggang nitong Marso 3, 2025 ng umaga ay umaabot na sa kabuuang 53,894,129 balota ang kanilang natapos na iimprenta.

Ito ay 76.58% ng kabuuang 72 milyong ballot requirement para sa midterm polls.

Bunsod nito, nasa 16,338,956 balota na lamang umano ang kailangang iimprenta ng Comelec para sa eleksiyon.

Kumpiyansa ang Comelec na matatapos nila ang ballot printing hanggang sa Marso 19.

MAY ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad