Pagkakatanggal ng Pinas sa ‘dirty money grey’ list magpapalakas sa ekonomiya – Romualdez

MANILA, Philippines — Naalis ang Pilipinas sa dirty money grey list ng Financial Action Task Force (FATF) na nakabase sa Paris dahil lalakas ang ekonomiya at pakinabang sa mga overseas Filipino workers (OFWs) dahil bababa ang singil sa kanilang remittance na ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa bansa.
Ito ang inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at itinuturing nito bilang makasaysayang tagumpay ng administrasyong Marcos na isa umanong patunay ng pagsusumikap ng bansa sa pagkakaroon ng integridad sa pananalapi, transparency, at pandaigdigang pamumuno sa ekonomiya. Napasama ang Pilipinas sa FATF grey list noong Hunyo 2021 o noong nakaraang administrasyon.
Iginiit din ng lider ng Kamara ang malaking ambag ng Kamara de Representantes sa pamamagitan ng reporma sa lehislasyon sa pagpapalakas ng anti-money laundering at counter-terrorism financing framework ng bansa, na kabilang sa pangunahing kondisyon para maalis ang Pilipinas sa listahan.
Para sa larangan ng pagnenegosyo, tinukoy ni Speaker Romualdez na mapapalakas nito ang tiwala ng mga mamumuhunan, makaka-engganyo ng foreign direct investment (FDI), at mapapaigting ang relasyong pangkalakalan para maiposisyon ang bansa bilang premyadong economic hub sa rehiyon.
- Latest