^

Police Metro

‘SAFER Davao’ program inilatag ni Nograles

Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang maprotektahan umano mula sa mga masasamang gawin, ma­ging sa tinaguriang hi-tech crimes ang mga residente at bumisita sa Davao City ay iprinisinta ni three-termer lawmaker Karlo Nograles ang kanyang “SAFER Davao” agenda, na isang malinaw at kayang magawa na programa para mas mapayapa, ligtas at maayos na lungsod.

Ayon kay Nograles, ang Davao ay kadalasang itinuturing bilang pinakaligtas na lugar sa bansa, na labis na ipinagmamalaki ng bawat Davaoeño. Sa pamamagitan ng naturang programang, tiwala si Nograles na mas mapapalawak at magiging epektibo ang mga hakbang patungkol sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad kung saan mas lalong mararamdaman ng mga mamamayan ng Davao City na sila ay “SAFER”.

Paliwanag ni Nograles, ang bawat letra sa katagang “SAFER” ay mayroong limang pangunahing element, ito’y ang “Secure lives and protect our families, communities, schools and workplaces” para sa letrang S. Ang A para sa “Address criminality, drugs, lawlessness, and cybercrime”; “Foster trust and confidence in our city government and our law enforcers” sa F; “Ensure peace and order for all” ang E; at ang R naman ay “Respect the rule of law and reach out and work with every member of our Davao City community.”

“Our plan is simple yet comprehensive. It’s easy to understand. Every element is important. SAFER Davao also allows us to pick urgent priorities depending on the situation,” sabi pa ng dating Civil Service Commission Chair.

Ang “SAFER Davao” initiative na ito ay bahagi sa kabuuang layunin ni Nograles na ang mga mamamayan ng Davao City ay nakikita, naririnig at nararamdaman ang City Hall sa kanilang pamumuhay sa lungsod.

KARLO NOGRALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with