^

Police Metro

Pangulong Marcos : LRT-1 Cavite extension project, aarangkada na

Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos : LRT-1 Cavite extension project, aarangkada na
Pinangunahan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project Phase 1 sa Dr. A. Santos Avenue sa Parañaque City na magsisimula ang biyahe ngayong araw.
Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw Nobyembre 16 ay maaari nang magamit ng publiko ang limang bagong istasyon ng Light Rail Transit 1-Cavite extension.

Matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inagurasyon ng LRT-1 Cavite Extension (L1CE) Phase 1 Project sa Parañaque City.

Ang limang istas­yon na maaari nang ma­gamit simula alas-5:00 ng umaga ang Redemptorist-Aseana Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino Avenue Station, at Dr. Santos Station.

Dahil dito kaya hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na subukang sumakay para makita at maranasan ang maginhawang pagbiyahe ng walang trapik.

“Kaya hinihikayat ko lahat ng ating mga commuter, subukan ninyo at makikita ninyo napaka­ginhawa kumpara sa traffic na nararanasan natin araw-araw,” ayon pa kay Marcos.

Kasabay nito, aminado naman ang Pa­ngulo na walang alok na libreng sakay sa unang operasyon ng LRT-1 extension dahil hindi ito operated ng gobyerno at kailangan pa bayaran ang utang dito.

Nilinaw naman ni Marcos na hindi nila ini­sip ang pagdiriwang ng Pasko sa pagbubukas ng LRT-1 Cavite extension kundi nagkataon lang dahil lahat ito ay rail projects.

LRT-1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with