Purchase booklet sa senior medicine discount ‘di na kailangan - DOH
MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na tatanggalin na ang purchase booklet para sa mga senior citizen na gagamit ng kanilang discount sa pagbili ng mga gamot.
Kasunod ito ng bagong administrative order (AO) ng Department of Health (DOH) alinsunod sa Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Kung dati ay kinakailangan ng senior citizen na magpakita ng purchase booklet sa mga botika, kasama ng valid ID at reseta ng doktor para makakuha ng diskwento, ngayon ay hindi na kailangan ng booklet.
Sinabi ni Herbosa na layon ng AO na tanggalin ang pangangailangan ng purchase booklet para sa mga senior citizen na gagamit ng kanilang discount sa mga gamot, kasunod ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Tinatanggal ng DOH AO No. 2024-0017 ang pangangailangan para sa mga senior citizen na magpakita ng purchase booklet sa mga botika, na dati’y kasama ng valid ID at reseta ng doktor, upang makakuha ng diskwento.
Anya, maituturing itong regalo mula sa Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na nagbigay ng kaginhawahan at mas abot-kayang gamot sa lahat ng mga senior citizen.
- Latest