^

Police Metro

Namboso sa nene tinodas ng stepdad

Mer Layson - Pang-masa

Tinangka pang halayin

MANILA, Philippines — Namatay noon din sa lugar ng pinangyarihan ang isang 54-anyos na lalaki nang barilin ng tatlong beses ng amain ng 12-anyos na batang babae na umano ay binobosohan at tangkang halayin  habang naliligo sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si alyas ‘Eloy’, residente ng Kamote Area, GK Compound, Tondo bunsod nang tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis naman na ng mga otoridad ang suspek na si alyas ‘Roy’, 40, cellphone technician, na residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bago naganap ang krimen, alas-3:00 ng hapon sa tapat ng Building 4, Helping Compound, Tondo ay nagsumbong ang 12-anyos na batang babae sa kanyang amain nang mahuli niyang sinisilipan habang naliligo sa banyo.

Paglabas ng banyo ay hinarang siya ng biktima at inutusang isubo ang kanyang ari.

 Tinutukan pa umano ng patalim ang bata at pinagbantaang papatayin ang kanyang mga magulang kung hindi niya gagawin ang gusto nito.

Nakatakbo naman umano ang nene at nakapagsumbong sa kanyang amain hinggil sa nangyari na agad hina­nap ang biktima at nang matagpuan ay kaagad na pinagbabaril.

Nang matiyak na napatay ang biktima ng suspek, mabilis na tumakas sakay ng isang itim na motorsiklo.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with